Thursday, August 13, 2009

pagtulog



habang ika'y nahihimlay sa aking tabi
masaya ako dahl ako'y yakap mo ngayon gabi
habang natutulog ka ng mahimbing
hindi ko mapigilan ang sarili kong haplusin
ang iyong maaliwalas na mukha
kung saan dati ay tila ba nagbabantang daluyan ng luha
masarap damahin ang iyong labi
kung saan laging na ukit ang tila ba permanenteng mong ngiti
ninanais ko sanang dampian ang iyong noo ng mabining halik
ngunit ako'y na ngangamba na sa aking gagawin ika'y magising
kaya lalasapin ko na lang ang mga pagkakataong ganito
kung saan ako'y kuntentong nakahiga rin sa tabi mo
hindi ko maintindihan kung bakit magaan ang pakiramdam ko kahit mailap ang antok
siguro sapagkat ako'y nalulunod sa kaligayahang iyong dulot..
na sa buong sistema ko ay nanunuot
isa lamang ang natakbo sa isipan ko
"tuwina, para akong nasa langit kapag akoy nasa piling mo"

Tuesday, August 11, 2009

isang bukas na liham para sa kanya

para: SAYO

hindi ko intensyon na mapalapit sayo
hindi ko sinasadya na maging bahagi ng buhay mo
pero ang nangyari ay nangyari na
indi ko na maibabalik ang mga panahon na nakasama kita
hindi ko na mababawi ang bawat salita na nasabi ko na
gusto kong malaman mo na indi ko din gusto na sa ganito tayo magtatapos
na magkakasakitan lang din pala tayo
o mas tamang sabihin na masasaktan kita
hindi mo lang alam kung gano kasakit sabihin ang bwat salitang namutawi sa labi ko
walang kang ideya kung gaano ako nawawasak habang sinasabi ko mga ito
mas pipiliin kong masaktan mag isa kesa malaman na ako ang nagdudulot ng lungkot sa iyong mga mata
mas gugustuhin ko na kamuhian mo ako at isipin na iniwan kita
kaysa hintayin ang pagdating ng panahon na iiwan mo ako dahil sa kanya
marahil nga ay makasarili ako at mababaw ang pang unawa
pero sa tingin ko nmn ay sapat na ang mga panahon na pinasaya kita
para masabi mo na totoo nmn na minahal kita
hindi ko alam kung pareho tayo ng nararmdaman ngyun
kung ang pag hihirap ko ay nararanasan mo rin
sa sobrang sakit ng nararamdam ko indi ko na alam kung paano ito mailalarawan
walang saktong salita ang maaring tumugma upang maipaliwanag ang aking nadarama
makalipas ng limang taon
pinili kita upang sa aking sa espesyal na oras na masya ako ikaw ay aking kasama
makalipas ang limang taon
gusto ko isipin na hindi ako ngkamali ng mahalin ka
maaring indi mo ako mapanindigan
pero gusto kong malaman mo na sa maiksing panahon
nagawa mo akong pangitiin at paligayahin ng sobra
ganun talga cguro un
pagkatapos ang ligaya
darating ang araw kailangan isuko kita
dahil mahirap lumaban kapag ako lang mag isa
sana maging masaya ka
patawarin mo sana ako kung nasaktan kita
tandaan mo na di ko na mababago ang katotohanan na
sa buhay ko'y naging parte ka
at mayrong bahagi sa sistema ko na permanenteng ookupahin
ng mga alala ng mga pagkakataong nakasama kita
sabihin ko man na kalilimutan kita
indi nun mabubura ang mga ngiti mo na permanteng nakaukit ka saking gunita.


nagmula: sa AKIN