Wednesday, December 21, 2011

dalawang taon


dalawang taon na ang nakalipas
nang tayo ay maghiwalay ng lamndas
paminsan minsan ang alaala mo
ay sumasagi pa rin sa aking isipan
napapangiti kapag na iisip ang ating pinag samahan
habang tayo dati ay nag lalakad sa kawalan
sa ilalim ng buwan
o dili kaya ay nagkakape habang nag kukulitan
hindi ko mapigilang isipin kung ano kaya ang nangyari
kung hindi kita tinulak pabalik at pinakawalan?
ngunit ngayon ay wala na akong magagawa pa,
noon ay naguguluan ka at nararamdaman kong mahal mo pa rin sya
taon na ang lumipas ngunit sa nakaraan wala akong pinag sisihan
kung ibabalik ang panahon, uulitin ko
pa rin na mahalin ka at pahalagahan
kahit ako ay di mo mapanindigan
sapagkat ang panahon na ating pinagsamahan
ay bahagi ng aking buhay at nakaraan na hindi ko na mabubura kailanman..

Sunday, March 20, 2011

midnight

ive been looking at the dark sky
with the dim blue lights above me
keep thinking about you..
hoping that you're also thinking of me..
every cigarette seems like love im taking,
consuming the smoke inside my body that slowly kills me..
and as im saying goodnight
i wanted your reply
i know that you're not stupid
to understand why..

10.20.09

tumitigil ang ikot ng mundo ng kapag ikay nakikita
Lagi kong hinihiling na sana'y agi tayong magkasama
Nakaka aliw pagmasdan ang maamo mong mukha
Kahit pa minsan pakiramdam ko ay tila may tumutulong luha

hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya
kapag nakikita ko na tila naka ngiti ang iyong mga mata
sana hindi na maisipan na humanap ng iba
dahil malulungkot ako kapag sa buhay ko'y wala ka na

gusto kitang pasalamatan sa binibigay mong pagkalinga
gagawin ko lahat para matumbasan ang iyong pag aalaga
hindi ko man lagi sabihin na mahal kita
maniwala ka sana yun talaga ang aking nararamdaman

alam mo bang sa bawat halik at yakap mo gumagaan ang pakiramdam ko.
bawat minuto at oras na kasama ka sumasaya talaga ako
Nahuhumaling na ata ako sayo
Patuloy kong ipagdarasal na sana tumagal tayo..

Tuesday, February 22, 2011

yosi


para akong nauupos na sigarilyo
nag pakasasa ka ng ako'y pag aari mo
naligayahan ka habang ako'y hawak mo
sa bawat hithit mo, inibigay ko ang kaligayahan mo
noong una, masaya ka ng tikman mo ako
habang tumatagal at nauubos ang sindi ko
nawawalan ka na ng gana at ako'y isinasantabi ko
naging mapait ang pakikitungo mo
ng masagad mo ag pakinabang ko...
Ngayon ay tinatapon mo sapakat ako'y wala ng silbi para sayo..
Habang nagsisindi ka ng bagong yosi
na tutugon sa pangangailangan mo....

umaga


Ngayon ang simula ng aking pag iisa
Dapat ng masanay na hind kana babalik pa
Pag gising sa umaga, sasanayin ang sarili
na ika'y wala sa aking tabi
hindi na makikita ang maamo mong mukha
hindi na mararamdamang muli ang haplos mo sa aking katawan
o dili kaya ay ang mga yakap mo katulad ng mga sa gabing nag daan
tapos na akong lumuha, tanggap na ang sinapit kong kapalaran
alam kong wala na akong magagawa pa
sapagkat ang relasyon natin ay natuldukan na.

Monday, February 21, 2011

10.10,09

i want you to hold me so tight
as we lay in your bed tonight
whisper words which can make me feel alright
assure me that everything is right.

give me this chance to let you know
that i wont let loose, i wont let go
as long as you want me in your life
i promise, i wont leave your side.

i like your smile whenever you see me
somehow, im sure im making you happy
to God, im thanking him for giving me **y
and ill keep on praying so that he'll continue to bless us better days

the word ive written were never enough
to describe how much i feel im being loved
and for that one great guy who always brightens up my day
id say " i love you more than words can say"