Thursday, September 3, 2009

ako'y isang NORMAL

ang ordinaryo kong buhay
araw araw na lang na ginawa ni GOD pare-pareho ang nang yayari sa buhay ko
gigising, maliligo, papasok, mag cha chat, uuwi ( sa likod ng opis), aalis ulit para magpahangin sa labas at finally uuwi at matutulog ulit
walang exciting na part, wala ding nakaka aliw
normal kumbaga
minsan na iisip kong mag sisi sa buhay na pinili ko
syempre dumadating sa point na tatanungin mo yung sarili mo kung masaya ka pa ba sa ginagwa mo?
kunyari parang ms universe pagent tapos ang question ay: ARE YOU SATISFIED WITH YOUR LIFE?
hihirit kapa sa host ng tanong na " WHAT PART OF MY LIFE ARE YOU REFERING TO?!)
ang taray di ba umeepal pa, then sasagot yung host ng "ANYTHING, PERHAPS LOVELIFE,FAMILY, CAREER"
tapos ang sagot mo lang ay "ako..most of the time HINDE isang capital N.O - NO because i know i still have lots of things to achieve!" (take note may exclamation pa for convictions)
sa batang bata kong edad ( ehem isa yung sikretong malupet, calumpet)
andun pa ko sa stage na nag hahanap ng thrill sa buhay
gusto ko pa na maraming ma experience para may maisulat ako
alam ko hindi pa ito ang peak na mapaglaro (at berde na din) kong utak
marami pa akong gustong isulat na hindi magiging possible kung naka kulong ako sa apat na sulok ng kwartong kinalalagyan ko ngayon
masarap mangarap di ba?? dun lahat posible daig pa ang commercial ng coke zero ( its possible sabi ng sirenang naka woot woot two piece?)
pero mahirap ma dissapoint, ma frustrate lalo na pag halos lahat sa buhay mo ay mali
zero love life ( feeling mo abnormal ka kasi parang alang na aatract sayo, sabay tanong sa sarili kung maganda ka ba? o gwapo kaya?), low pay ( dahil halos na pupunta sa maraming bagay ang sweldo katulad ng insurance, tax, gimik, sustento),problematic family life ( gastos ulit, health problem etc).
iniisip mo kung kelan ka tatama sa mga desisyon mo
matapang ka lang kasi akala mo kaya mong panindigan ang mga ginawa mo
pero kapag ganitong maramaming mga pinoy ang mas hindi satisfied sa buhay dahil wala silang makain,
walang matulugan, walang matinong trabaho,walang baon sa school, walang damit na maayos, walang laptop,psp, mp3,cellphone, load ( na rin at panay share a load ang friendships mo sayo), pang kape sa starbuko,
abay ma iisip mo na di hamak naman na mas masuwerte kapa rin sa kanila at dapat magpasalamat
dahil may internet ka (kaya nga nababasa mo itong blog na to), naka aircon ka ( malamang)
namumurublema lamang kung san ka kakain at ano ang gagawin mo sa buhay mo
tulad ko ngayon hindi kuntento pero kahit ganon, kahit may mali sa buhay ko,
alam kong dapat akong maging masaya dahil araw araw gumigisng pa rin ako, nahinga pa ako, nakaka kain ng ayos at mas marami pa rin ang tama kesa MALI sa ordinaryong buhay ko.

Wednesday, September 2, 2009

mistress anyone??


"A mistress is a man's long-term female sexual partner and companion who is not married to him, especially used when the man is married to another woman. The relationship generally is stable and at least semi-permanent; however, the couple does not live together openly. Also the relationship is usually, but not always, secret. And there is the implication that a mistress may be "kept"—i.e., that the man is paying for some of the woman's living expenses, or provides her with an allowance." - wikipedia.com

i have this social network called ning where you can post discussions
and i remember there's this one question pertaining to becoming a kept woman or what we call as "kabit". heres an excerpt of that forum:

kaw ano pipiliin mo maging kabetz or original n gf/bf.....??


hmmmmm.... s mga matatamaan walang magagalit ah....for me lng ah.kung kabetz ka, alm mo mkakasira ka ng isang rel,khit alm mo na frm d start n my gf/bf yung tao db,mas ok n yung kaw yung orig eh atleast alm mo n kaw lng db,dpende n yan sa tao.well kung matinong tao ka alm mo nman yung tama sa mali eh.kya pag my gf/bf n alm mo n dpat san ka lulugar...


MY POINT OF VIEW:(walang personalan opinion lang)

first of all, loving a commited person doest mean you're already a relationship wrecker
it only means u know how to love the sad part is with a committed man/woman
if the committed person makes a move and have ur desire granted then its no longer solely your fault (the third party cos he/she loves, the one being loved because he/she entertains, and the aggravated party cos maybe just maybe she/he has flaws)

second. who are we to judge the OTher person (you are NOT in his/her place or shoes so you DONT know what he/she is going through.. we all are SINNERS so why judge them unless u are the CREATOR), it just so happen that the LEGAL one came first( or maybe not since there is a case wherein the original love was the OTHER one and the legal one came only to reality due to inflicted force such as pikot, arranged relationship, etc)

third. being the ORIGINAL doesnt guarantee you that you are the ONLY one. the only thing that you're sure is that for the time being, you are the one whom he vows for a committment (remeber kung mahal ka niyang talaga, indi na sya mag hahanap ng IBA pa.)

"Kung dalawa ang mahal mo, piliin mo yung pangalawa. Kasi hindi ka naman magmamahal ng iba kung mahal mo talaga yung una."- ANONYMOUS

fourth. the term KABIT or OTHER WOMAN/MAN only have negative connotation because we are in a country rich in culture where NORMS is highly given of importance. (remember in ISLAM, they are allowed to have several wives as long as the man can keep up with their needs and the second, third wife etc was NEVER regarded as KABIT)

lastly, i think, the definition of WHAT IS Right and WronG IS VERY SUBJECTIVE. what is right and what is wrong is dependent on one's BELIEF, CULTURE, NORMS ( since what may be right for you may not be for me vice versa , it is the society or the majority that decides what is good and what is not)

if only people can fully manipulate their lives, then i dont think there will be someone (sane person) who will choose to be second best. but the ONE UP there has a better plan for us and sometimes HE uses a PERSON to test us, the relationship that we have and the FAITH we have for HIM.everything has a purpose and dont u think these people are here to TEST you of ur WORTHINESS (patience, understanding etc in time trials) for the person you choose to love???!- everything is FAIR in LOVE and in WAR



-p.s again these are just my opinion
*playing LIPS OF AN ANGEL by HINDER

blog.blog.blog


matagal na kong na ngangarap na maging writer
feeling ko may ibubuga pa ako sa larangan ng pagsulat
wala lang akong avenue ika nga
natatakot din ako na gumawa ng matatawag kong obra na pagkatapos kong pag hirapan ay lalaitin lamang (ok sana kung constructive, yung tipong pointing out kung san ka mali and how you can improve, pero yung iba mahadera lang talaga at gustong mamula na gawa)
takot akong mapulaan sa mga isusulat ko kasi
di ba nga ang bawat sulatin ay expression ng manunulat?!

naputol ang pangarap ko na magsulat ng magkaroon ako ng TERORistang propersor sa unibersidad na pinasukan ko, doon nag simulang magunaw ang mundo ko bilang isang manunulat
na aaliw na lang akong magbasa ng kahit na anong libro
marami kang matutunan dun kahit di mo trip ang subject ng isang author
dumating pa ko sa point na nag eemail ako sa international writer na paborito ko
at talaga namang nag tatalon ako sa tuwa ng mag reply siya
( kahit alam kong maaring iba ang gumawa nito para sa kanya)
sa kabilang banda, napansin ko na nauuso ang pagkahilig ng mga mambabasa sa humorous style of wrting
eto yung style kung saan ang isang manunulat ay para lamang nakikipag usap sa mambabasa niya
parang katulad lamang ng ginagawa ko ngayun(self promotion na ito)
ang blog na to ang aking daan para mailabas ang frustrations ko sa buhay
halata naman na about bitterness sya di ba??
(pramis sabi ko indi na ko bitter sa buhay pero syet ampalaya pa rin ang ulam ko ngayon?)
may ibang naka appreciate ng site na ito
at mayroon din namang hindi
pero ok lang atleast may feedback ako na nakukuha mula sa ilang kaibigan ko na nakakaalam nito
natutuwa ako pag nagugustuhan nila ang bawat sinusulat ko
yung iba violent reaction dahil MALIBOG daw ang content,dull at puro hinanakit sa buhay
pero jusko naman parte iyon ng ating pagkatao
walang masama kung magsulat tayo tungkol dun ang mahalaga na ishare mo sa iba ang iyong kaalaman at saloobin
sa aking parte, experience is the best teacher pa rin
salamat sa blog tulad nito, nabibigyan ng tyansa ang mga katulad ko na makagawa ng babasahin na aaliw at pupukaw sa kamalayan ng bawat mambabasa
so nag decide ako ngayon na mag sulat indi lamang ng tula kundi ng kahit na anong gusto kong ibahagi sa bawat isang maliligaw sa site ko
sabi nga " walang basagan ng trip, blog site ko ito" (--,)

Thursday, August 13, 2009

pagtulog



habang ika'y nahihimlay sa aking tabi
masaya ako dahl ako'y yakap mo ngayon gabi
habang natutulog ka ng mahimbing
hindi ko mapigilan ang sarili kong haplusin
ang iyong maaliwalas na mukha
kung saan dati ay tila ba nagbabantang daluyan ng luha
masarap damahin ang iyong labi
kung saan laging na ukit ang tila ba permanenteng mong ngiti
ninanais ko sanang dampian ang iyong noo ng mabining halik
ngunit ako'y na ngangamba na sa aking gagawin ika'y magising
kaya lalasapin ko na lang ang mga pagkakataong ganito
kung saan ako'y kuntentong nakahiga rin sa tabi mo
hindi ko maintindihan kung bakit magaan ang pakiramdam ko kahit mailap ang antok
siguro sapagkat ako'y nalulunod sa kaligayahang iyong dulot..
na sa buong sistema ko ay nanunuot
isa lamang ang natakbo sa isipan ko
"tuwina, para akong nasa langit kapag akoy nasa piling mo"

Tuesday, August 11, 2009

isang bukas na liham para sa kanya

para: SAYO

hindi ko intensyon na mapalapit sayo
hindi ko sinasadya na maging bahagi ng buhay mo
pero ang nangyari ay nangyari na
indi ko na maibabalik ang mga panahon na nakasama kita
hindi ko na mababawi ang bawat salita na nasabi ko na
gusto kong malaman mo na indi ko din gusto na sa ganito tayo magtatapos
na magkakasakitan lang din pala tayo
o mas tamang sabihin na masasaktan kita
hindi mo lang alam kung gano kasakit sabihin ang bwat salitang namutawi sa labi ko
walang kang ideya kung gaano ako nawawasak habang sinasabi ko mga ito
mas pipiliin kong masaktan mag isa kesa malaman na ako ang nagdudulot ng lungkot sa iyong mga mata
mas gugustuhin ko na kamuhian mo ako at isipin na iniwan kita
kaysa hintayin ang pagdating ng panahon na iiwan mo ako dahil sa kanya
marahil nga ay makasarili ako at mababaw ang pang unawa
pero sa tingin ko nmn ay sapat na ang mga panahon na pinasaya kita
para masabi mo na totoo nmn na minahal kita
hindi ko alam kung pareho tayo ng nararmdaman ngyun
kung ang pag hihirap ko ay nararanasan mo rin
sa sobrang sakit ng nararamdam ko indi ko na alam kung paano ito mailalarawan
walang saktong salita ang maaring tumugma upang maipaliwanag ang aking nadarama
makalipas ng limang taon
pinili kita upang sa aking sa espesyal na oras na masya ako ikaw ay aking kasama
makalipas ang limang taon
gusto ko isipin na hindi ako ngkamali ng mahalin ka
maaring indi mo ako mapanindigan
pero gusto kong malaman mo na sa maiksing panahon
nagawa mo akong pangitiin at paligayahin ng sobra
ganun talga cguro un
pagkatapos ang ligaya
darating ang araw kailangan isuko kita
dahil mahirap lumaban kapag ako lang mag isa
sana maging masaya ka
patawarin mo sana ako kung nasaktan kita
tandaan mo na di ko na mababago ang katotohanan na
sa buhay ko'y naging parte ka
at mayrong bahagi sa sistema ko na permanenteng ookupahin
ng mga alala ng mga pagkakataong nakasama kita
sabihin ko man na kalilimutan kita
indi nun mabubura ang mga ngiti mo na permanteng nakaukit ka saking gunita.


nagmula: sa AKIN

Friday, July 10, 2009

amiguitas

ive been running in circles
hoping i can change everything ive done
swear,i want to make things right
but i cant bring back the those times
i want to say sorry for the that person
unconsciously, ive stolen her special someone
i want to return what ive taken from her
but i cant
after all my heart says i really dont want to
ive realized im a selfish person after all
but how can i stop?
from this madness thats in my mind?
it was never my intention to get too close
but here i am
wanting and needing his every embrace
his kisses completes me
his words washes out my misseries
its like after years of waiting
i was really made to look after him
but seeing the sadness in his eyes
silently crushing my faith
suddenly i began to think
that maybe ...just maybe
in the first place
the kind or relationship that he have
is NEVER MEANT to be.





*"i want a person who will see and treat me as the ONE
and NOT the OTHER WOMAN"

Wednesday, July 8, 2009

let.go.


i thought i can make things better for me
i thought that by giving him my all
he could learn to love me
see what's in me
that i am MORE than what his eyes can see
BUT i was wrong
he's NOT an EXCEPTION
he will just be like the people who come and go
who made me feel special but dared not to hold on
i need and have to learn to accept things
that no matter how i HOPED.WISHED. and PRAYED
he will always go back to the arms.....
.... of that someone who came before me


i have to let loose.
i have to LET GO.

Tuesday, July 7, 2009

badtrip

minsan hindi ko tlaga maintindihan ang mundo
isa naman akong mabuting tao
bakit hindi ko maramdaman na pwede ako sumaya?
bakit parang pinagkakaitan ako ng ligaya?

minsan kong inalay ang lahat para sa kanya
akala ko okey na
hindi pa pala
kasi kahit lahat na yun parang kulang pa

minsan hindi ako nakukuntento na magkaroon ng taong mamahalin ko
bakit kamo?
kasi ang gusto ko yung hindi lang mahal ko yung tao
kundi yung mamahalin niya din ako sa paraang gusto ko

nalilito na talaga ako
dahil sabi nila makikita ko din daw ang nababagay na maging pareha ko
pero sa tinagal tagal ng paghihintay ko
pag ka badtrip lang ang aking natatamo

Tuesday, June 9, 2009

kandila


para akong nauupos na kandila sa gabi

o dili kaya ay isang dahon na nalalaglag sa tabi

nararamdaman kong hindi niya ako mahal sa paraang nais k

o habang ako'y patuloy pa rin umaasa

na baka sakaling sa pagpuno ko sa kanyang kakulangan

maisip niyang karapat dapat ako para sa kanya

patuloy akong nag iisip

habang di mababakas sa aking mukha ang lungkot na dala ng katotohanan

sa mga mata ko nasasalamin ang kahungkagan na aking nararamdaman

patuloy akong ngumiti sa tuwing siya ay bumabaling sa aking gawi

kahit anong pigil ko sa aking mga luha tila dadaloy ng walang patid

talaga namang nagnanais na kumala at bumalong sa aking pisngi

sana'y mabago ko pa ang isip mo

habang ikay nasa piling ko

nais ko sanang piliin mo ako

kung pwede ko lang ipagsiksikan ang sarili ko sayo

at ibulong na sana minsan naman isipin mo ang nararamdaman ko

kahit minsan pwede bang ikonsidera mo ako sa buhay mo

pahalagahan mo naman ang pagkalinga at pag unawa na binibigay ko sayo

pakiusap linawin mo kung ano ang katayuan ko

sagutin mo kung ano ba ko talaga para sayo

ginagamit mo lang ba ako para may maiparada ka sa mga kaibigan mo?

mahal mo ba talaga ako gaya ng sinasabi mo?

o sadyang panakip butas lang sa kakulangan ng iyong pagkatao?

pagpanaw

na alala na naman kita
parang kahapon lang ng tayo ay magkasama
malulungkot kaba kapag nawala ako???
iiyak ka ba kapag iniwan na kita dito sa mundo?

sana lagi tayo magkasama
wag na sana tayong mahiwalay pa
ikaw lang ang nakakapag patawa sa akin
sayo lang ako nagiging masaya
sabihin mo...malulungkot ka ba....................

...........................................................................
..........................................................................
........................kapag ako'y pumanaw na???

sampung taon

Makalipas ang sampung taon, ano na nga ba ako?
Hinangad ko dating magkaroon ng sarili kong pamilya
Ng mga anak na palalakihin ng mabuti , aalagaan at aalayan ng buhay
Magkaroon ng katuwang sa pagtataguyod nito,
Isang taong tatagal at tatanggapin ang personalidad at ugali ko
Pero dun pa lang sa taong katuwang sa buhay sablay na ko.
Wala palang ganon.
Sampung taon...mag isa pa rin ako
Takot magtiwala, takot masaktan.
Kapag nagmahal ka daw,
binibigyan mo ng karapatan ang taong iyon na saktan ka.
Ayoko ng ganon, masyadong masakit puso....mabigat sa kalooban.

Sampung taon na pero paulit ulit pa rin ngyayari ang mga bagay
Para bang paulit ulit na tinuturo ang mga leksyon na sana ay dati ko pa natutunan.
Pero matigas ang ulo ko, lagi ako doon sa mga bagay nakakapag bigay ng saya sa akin.
Kahit pagkatapos nito ay kalungkutan na lang ang maiiwan.
Mahirap baguhin ang nakasanayan mo
Pero mas mahirap tanggapin na makalipas ang mga taon at pagbabagong ginawa mo
Di ka pa rin matanggap ng mga tao.


Sampung taon ang lilipas
gusto kong malaman kung ganito pa rin kaya ako?
Mahirap lamunin ng kagustuhan mong ma please lahat ng tao sa paligid mo.
May mga nilikha talaga para guluhin ang mga plano mo
Di man sobrang saya pero sana sa panahon na yun kuntento ako sa simpleng buhay na pinili ko.

Malungkot at mahirap mamuhay ng mag isa
Pero mabuti ng ganito kesa naman lahat ng bagay ay pinagsisihan ko.
at sasabihin sa sarili ko na "sana Mas masaya na ako...
sa susunod na sampung taon pa ng buhay ko... "

katanungan

ngayong nakita na kita
ayoko ng mawala ka pa

marami ng taon ang lumipas
ayoko ng magbilang pa

pakiusap....
sagutin mo ang tanong ko...

aalis ka din ba agad tulad nila?
iiwan mo din ba ako gaya ng ginawa nila?

o sa pagkakataon ngayon....
sa piling ko'y magtatagal ka?????

Monday, June 8, 2009

distanSIYA

after a few days mawawala din yung pagkahumaling natin sa isat-isa
maiisip mo na sinusubok ka lang ng tadhana
makakalimutan moko at babalik ka din sa piling niya
ma re realize mong mas mahal mo siya ngayun kesa dati
dahil kahit dumating ako babalik ka pa din sa kanya
malulungkot ako pero...
...matatanggap ko na eto ang kapalaran ko
ang muling mag isa.
habang masaya ka na ulet sa piling niya
babalik sa dati ang lahat
magiging normal ang buhay nating dalawa
makikita mong isa lang akong ordinaryong babae
akoy nag mistulang tagapuno lamang ng mga pagkukulang niya
akoy naging tagapag bigay ng mga bagay na di mo nakuha sa kanya
isa akong nilalang na kumalinga sayo ng panahong naguguluhan ka
wala akong pinagsisihan sa lahat ng ating ginawa
pero katulad ng lahat ng pantasya
natatapos ang lahat
hindi pwedeng habang buhay tayong ganito
sapagkat sayo ay may nag hihintay
pag lingon mo muli mo SIYANG makikita
nakabukas ang kanyang mga palad
nakangiti at maaliwalas ang kanyang mukha
mababakas ang kasiyahan sa kanyang mga galaw
makakalimutan mo na akoy nasa iyong harapan
at bawat hakbang mo pabalik sa kanya
ay na ngangahulugan ng paglayo ng DISTANSIYA natin sa isat isa...

Thursday, June 4, 2009

x

(isang bukas na liham)

Dear eks,



pasalamat ka malayo ako
kung hindi mabibigwasan kita akala mo
mag sama kayo ng babae mo
pag buholin ko pa mga pusod niyo
pero dahil hindi naman ako kasing sama mo
mag de dedicate pa ako ng kanta para sau
"wish you the worst" ang title nito
pakinggan mo baka sakali mauntog ka pa sa bato
malaman mong di sya karapat dapat para sayo
at maisipan mong balikan ako
kapag naging katulad ng dati ang estado
ng magulong utak mo



lab,
ur x

Tuesday, June 2, 2009

taxi

pwede bang sumandig sa dibdib mo?
masarap sa pakiramdam ang makulong sa bisig mo
habang naka pikit ang mga mata ko
at nahihimlay sa tabi mo

nararamdaman ko ang iyong banayad na pag hinga
habang ang aking mg aking mga kamay ay humahaplos na tila kumakalinga
sa oras na to ay nakabibingi ang katahimikan sa paligid
ngunit mas importante sa akin ang pag iisip na sanay dumantay sa akin ang iyong labi

kung pede lang sana na lagi tayong ganito
dahil ma mimiss kita pag dating ng araw na wala ka na sa tabi ko
iiyak siguro ako pag nagkagayon
ngunit sigurado ako na babalik ka din isang hapon

masyado na ba kung hilingin ko na sanay alagaan mo ako?
mag papanic ka ba kung malaman mong gusto ko na nasa tabi mo
maiisip mo ba na ang demanding ng babae na to?
kahit naman gusto ko hindi ako hihiling ng uri ng relasyong di mo kayang ibigay noh?

ano bang magagawa ng tulad ko?
kung sa akin ay panandalian lang ang pagka humaling mo?
makikiusap na lang na kilalanin mo naman ako
para malaman mo na hindi sayang bawat minuto na ilalaan mo.

8 am

pag mulat ng aking mga mata
sa isang umagang kay ganda
ikaw sana ang una kong makita
na andun ka pa rin at nakahiga ka pa rin sa ating kama

mababakas pa rin sa muka mo ang di mapigil na ngiti
mahahalikan ko tlga ang bibig mong minsan ay matabil
mayakap pa rin ang katawan mong medyo chubby
bumulong sa tenga mong tila may butong matigas

hinihiling na makasama ka pa ng mas madalas
ipagpatuloy ang pagtatampisaw sa batis ng kasalanang wagas
alam kong isa to sa ating kahinaan
pero ano ba ang magagawa kung masarap ang nagyayari sa bawat oras na laan

kahit alam kong romantically inlove ka sa kanya
at akoy may nilalandi ding iba
di ba masaya nmn pag tayo ang magkasama
ibang uri ng kaligayahan ang ating nadarama

sabihin mong walang magbabago sa trato mo
na akoy mananatiling kaibigan sayo
kahit na medyo malabo ang uri ng relasyong mayroon tayo
mahal natin ang isat isa dahil pareho tayong wirdo

Friday, May 29, 2009

hubad na katotohanan

ikaw lang po ang pinagnanasaan ko
at wini wish na sana manyakin mo
masama man minsan sanay mag halayan tayo
gusto ko po na idikit mo yung katawan mo sa akin
at simplehan ang pag hawak sa aking skin
pati na rin sa sumisibol pa lang na hinaharap ko
mapunta ang kamay mo sa tagiliran ko
maramdaman ang mainit mong hininga sa tenga ko
habang bumubulong ka ng ganito
"gusto mo ba ng ginagawa ko?
oo at hindi lang ang dapat na sagot mo"
akoy mapapa ungol
uutas ng salitang "oo"
tapos maiisip na minsan sanay masisilip mo ko
habang nag bibihis o naliligo
at biglang mag bu blush ako
mahihiya dahil gusto ang ginagawa mo
tutudyuin siya para mabigyan ako ng pansin
magtatampo para akoy kanyang suyuin at yakapin
kahit sandali lang sana ako lang ang iyong lalambingin
maging pinaka maganda sa iyong paningin

paguulayaw

gabi gabing na pupuyat
ang katawan ay na ngangayayat
mga mata'y na ngingitim
ngunit ang damdamin koy patuloy na naninimdim

laging inaasam ang halik mo
ang mga haplos na nakakaliyo
bawat himaymay ng laman ay na nginginig
pero ang ulo koy hinding-hindi pipilig

na aalala ko ang bawat sandali ng ating pag uulayaw
alam kong kahit kailan akoy di aayaw
sa lahat ng ginagawa mo sa akin
sayong sayo ako wag mo lang akong bitinin

alam kong sa ginagawa natin pareho tayong hindi sigurado
pero hinihiling ko sa'yong ipagpatuloy pa natin to
hayaan mong bigyang kasiyahan nating ang bawat isa
sa pamamagitan ng pag aalis ng ating mga balisa

pakiusap wag mong sabihing hindi mo na gusto to
dahil nakikita ko ang pagnanasa sa mata mo
sa bawat titig na binibigay mo sa akin
alam kong lahat ng ngayri ay pareho pa nating nais ulitin

hayaan na lang nating ang kapaaran ang mag desisyon
wag nating itong pangunahan sa pamamagitan ng pag bibigay ng mga reaksiyon
siguro naman sapat na ang panahon at lakas ko
para kahit sandali at papaano ay sumaya ang durog na puso mo.

Thursday, May 28, 2009

pley ded

isang gabing malamig
sa kwartong madilim
may bumulong sa tenga ko
ang sabi niyay ganito
"wag kang gagalaw akong bahala sayo sa oras na to
mag play ded ka lang yun ang gusto ko"
sinunod ko ang kayang binulong
kahit gusto kong kami'y mag pa gulong gulong
unti unti kong nararamdaman ang ibang sensasyon sa aking katawan
parang ibat ibang hugis na pininta sa isang larawan
o dili kaya ay bolta boltaheng di ko eksaktong mailarawan
sinubukang kong sundin ang kanyang kagustuhan
subalit ang damdamin koy di ko na talaga maintindihan
ang utak koy wala na sa katinuan
nag iinit na rin ang aking kaibuturan
gustong makisabay sa hampas ng pagnanasa sa kanyang katawan

akoy nang hihina sa piling niya
lumiligaya sa bawat yakap na nang gagaling sa kanya
gustong gusto ang kakaibang sensayasyong dulot niya
halos madurog ang labi ko sa kanyang halik
at ang haplos niyang tila sabik na sabik
tila ba mapipigtal ang aming mga hininga
sapagkat panay panay ang indayog sa ibabaw ng kama
nais ko sanang wag matapos ang pangyayaring ganito sa buhay ko
pero ang relasyong tulad nito
ay hindi tumatagal sa sistema ko
pareho naming alam na parang laro lang ito
ang seseryoso ay ang maiiwang talo
isa pa'y walang lalaking nababagay sa tabi ko
hindi nila nanaising tumagal sa babaeng tulad ko..

Piglet

si PIGLET man ako sa paningin mo
lab naman kita yun ang totoo
napapangiti kita sure ako
kahit mukang pasan mo ata ang mundo

kunyari ka pa na ayaw mo ng kiss ko
eh ano ngayon kung hindi TAYO
hindi ba ang importante masaya ka sa piling ko
gusto ko pa nga tumigil ang oras kapag magkasama tayo baka akala mo

alam mo kahit ganyan ka at ganito ako
at minsan lagi akong asar talo
dahil sa sobrang dami ng pang aasar at pintas na nakukuha ko sayo
hindi kita ipagpapalit sa machong fafa na nakita ko sa kanto

alam mo kahit ganito tayo,di mo lang alam na papasaya mo din ako
makasama ka lang kuntento na ko sa buhay ko
kahit sandaling panahon lang ang ilaan mo maiintindihan ko
ang importante nag laan ka ng konting oras para makapiling mo
ang isang piglet na tulad ko...* wink

Wednesday, May 20, 2009

twosome lonesome lovesome the story of us

it all started with a stolen first kiss
an accident that they both never missed
he was stunned with the gentle touch on the lips
she was caught with the moment of silence
and to die on the point in time is all she could wish


she learned that he still have girl
now her mind is in a state of awhirl
suddenly the whole place seems to swirl
and he doesnt know how to make it all ok for this kind of deal
as though his heart was being milled


she asked if they could stay at each others' side
maybe by doing so they can make sure that their growing love wont easily die
for as long as they are not telling each other a lie
they know they can withstand time even if there are still lots of things that are under the tricks of fire
and this kiss seals this two souls in a moment in time


and now she apologize
because she said he needs to hear her confession
she wanted to tell him about her lingering intentions
that she doesnt want them to go on separate directions
and ask him to pause for a while in giving her his conviction


she said all she wants is another try
she asked if he could give her another night
even though she feels its quite not right
she uttered "you are the one for me that night"
he said " hushhhh everything is going to be alright"

tanghalian (hon kain muna tayo the ed version)

pwede bang itext mo na lang ako
tanghalian na pala kumain na rin muna tayo
yung totoong pag kain ang gusto ko
dahil sa totoo lang gutom na gutom na ako
bago ako ang makain mo
baka mamaya kung nasan na tayo
wala na pala tayo sa chatroom na to
kundi nasa totoong kwarto
baka ako ang maging ulam mo
at ikaw naman ang dessert ko
pag ka tapos ay sabay tayong sisigaw ng ganito
“hon isa pa nga kaya mo?!!!!
tatagal ka ba hanggang hapunan na to?
sabi ko na nga ba kapag ikaw ang kasama ko
titig mo pa lang busog na ako
paano pa kung may gagawin tayo????? "

Tuesday, May 19, 2009

KAIN MUNA TAYO HON KO

itext mo na lang muna ako
sabay kain na rin tayu
bago ako ang makain mo
baka mamaya kung nasana na tayo
wala na pala tayo sa chat na to
kundi nasa totoong kwarto
baka ako ang maging ulam mo
at ikaw naman ang dessert ko
pg ka tapos ay sabay tayong sisigaw ng ganito
“hon isa pa nga kaya mo?!!!!"

the edited version

isang hapon ng ikaw ay makilala
sa may videoke bar ng tayo ay magkita
at ikay minsan ko pa ulit nakasama
sa bawat text mo ako ay sumasaya
napapangiti sa bawat "hi" at "kamusta?"
okey na sana pero may problema
di mo agad na nasabi na may sabit ka na pala
ang sama ko naman kung kikidnapin kita
pero teka sasama kaba??
o kailangan kong sabihin na
ang pupuntahan natin ay kama
at doon ay paliligayahin kita
ibubuhos ang buong lakas at presensya
ibibigay ang uri ng pagmamahal na hindi niya kaya
ipaparamdam na espesyal ka
para lang maagaw ka sa kanya
o kaya naman ay sa buhay moy naising palitan siya
tama na siguro yung ganito
minsan man lang sumaya ako
pero ayoko talaga ng feeling na 'to
yung ginagawa kong tanga ang sarili ko
ng dahil lang sayo....
pero anong magagawa ko?
sa ayaw at sa gusto mo
naging parte ka na ng sistema ko.....

saya (--,)

isang hapon ng ikaw ay makilala
sa may videoke bar ng tayo ay magkita
at ikay minsan ko pa ulit nakasama
sa bawat text mo ako ay sumasaya
napapangiti sa bawat "hi" at "kamusta?"
okey na sana pero may problema
di mo agad na nasabi na may sabit ka na pala
ang sama ko naman kung kikidnapin kita
para lang maagaw ka sa kanya
o kaya naman ay sa buhay moy naising palitan siya
tama na siguro yung ganito
minsan man lang sumaya ako
pero ayoko talaga ng feeling na 'to
yung ginagawa kong tanga ang sarili ko
ng dahil lang sayo....
pero anong magagawa ko?
sa ayaw at sa gusto mo
naging parte ka na ng sistema ko.....

p.s

kailangan kita..
bakit nga ba?
dahil masaya ako pag mag kasama kita
or pagmamahal na nga ba aking nadarama?
ewan ko naguguluhan ako
basta ang alam koandito lang ako para sayo
pero siguro hindi mo mapapansin to
dahil busy ka sa pag nu nurse sa pride mo
masyadong okupado ang isip mo ng mga bagay sa mundo
hindi mo napapansin na hindi pa ako buo
sana masabi ko pa rin sa iyo ang mga linyang ganito
"huwag tayong mag madali
sa halip ay enjoyin natin ang moment na to
baka sakali pag dating ng panahon wala ng IKAW AT AKO
...tapos ay magkaroon ng TAYO..malay mo."

Thursday, May 14, 2009

ikaw

hindi ko alam kung paano sisimulan to
hindi rin ako sigurado kung may oras ka para dito
sa sobrang dami ng iniisip mo
baka nga imposible na mabasa mo pa to

sinusubukan kong intindihin ka
pinipilit na habaan pa ang pasensya
dahil alam ko ang kailangan mo ngayon
ay pag mamahal at pang unawa

pero anong magagawa ko
paglayo ata ang gusto mo
dahil kahit magkasama tayo
napapansin ko na lumilipad ang isip mo

alam mo kahit mahal kita sa paraang alam ko
at hindi mo alam na hindi sinasadyang nasasaktan ako
mas mabuti pa siguro na mawala na lang ako sa buhay mo
para magkaraoon ka ng espasyo at oras para hanapin ang sarili mo......


.....baka sakaling pag balik ko isang bagong "IKAW" ang matagpuan ko. ="(

almost died

its been hell of a night
i’ve been struggling to survive
this pain slowly keeps on killing me
that i almost died last night.

I should be happy by now
this day must be something special
but why is this happening?
That inspite of it all, i almost died last night.

I’ve become miserable
i forgot how to smile
i followed my mind but still
i almost died last night.

I learned how to lie
to pretend i was never hurt
to think all things are fine
but then again.......i almost died last night.

Wednesday, May 13, 2009

second chance

more or less we believe that everybody deserves a second chance.
tama naman.

hindi ako mahilig magsisi sa mga bagay na mga ginagawa ko
lalo na kung mali ito
aus lang parte ng buhay yun eh
pero hindi rin naman ako perpekto
minsan talaga kinakain ako ng kunsensya at katangahan ko.
iniisip ko kung bakit ko nga ba ginagawa to.
kapag paulit-ulit na ngyayari daw ang isang bagay
isa lang ang ibig sabihin....
hindi mo pa natutuhan ang mga bagay na dapat matagal mo ng natutunan
siguro tama na naman.

pero paano kung...
hanggang second chance lang pala ang kaya ibigay sau na pagkakataon
sa tingin mo tatama ka na kaya?
nakapagpalagpas na ko ng isang pagkakataon
hinayaan kong kainin ako ng ka immature-ran at pride ko
iniisip ko tuloy kung eto na ba????
ang pangalawang pagkakataong sinasabi nila?
hindi ko alam..
isa lang ang sigurado ako
sapagkakataon ngaun handa na kong sumugal
matagal ko tong hinitay
ayokong lumipas na wala akong nagawa
kung magkamali man ako
bahala na atleast this time
sinubukan kong tumama.

just another blog post

clothes slowly touching the floor
dimm lights, off we go
bed eagerly waiting for us

while your body slowly touching mine
your lips gently crushing mine
hands caressing my back and breast

eyes wide shut
breathing i can almost hear the sound
heart pounding off the beat

mind thinking what will happens next?
weve only just begun
but cant harly wait for the re RUN.....

isang gabing madilim

minsan namatay ang ilaw
kasabay ang pagbaha ng luha,
namatay ang isang puso
na habang buhay na magdurusa
sa kasalanang di niya ginawa.

muhi

kapag na aalala kita
nasulak ang dugo sa katawan ko
nararamdaman ang pagkamuhi sa sistema ko
na aalala kunG paano moko pinaikot at pinaasa

akala ko di ka tulad ng iba
pero nalaman ko na mas malala ka pa sa kanila
umaasta kang mabuting tao ngunit kagaya nila mapag laro ka
concErn k nga ba o sadyang mapanuya ka

hindi naman ako masamang tao
sa katunayan ng aalala pa rin ako seO
pero hindi ko kasi makuha manlilinlang ka na rin lang
sa dami ng taong pwedeng piliin ako pa

punong puno tuloy ako ng galit sa dibdib
mga pakiramdam na ikinalulungkot kong seo ko naramdaman
gusto kong umiyak para matapos na
para pagdating ng panahon mapatawad din kita

istorya

start.
malabong usapan
simula ng lambingan
patuloy ang kapaan



middle.
mayroong hintayan
walang lokohan
handang mag unawaan.



end.
hanggang sa desisyunan.

kahilingan

nakaraang nais kalimutan

mga alaalang binabaon sa kamalayan

kasalukuyang gustong dugtungan

hinaharap na di maintindihan

sitwasyong hindi malamanpaano mapagbibigyan?

kahilingang mahirap tugunan.....='(

pitong araw

mabilis lang ang panahon
sa loob ng isang linggo ang daming pwedeng mangyari sayo
ung iba dun gusto mo, yung iba naman maaring ayaw mo
pero kapag nakatadhana... mangyayari pa rin kahit deal or no deal

sa pitong araw , pwedeng tatlong araw na kasiyahan
apat na araw ng sama ng loob, ng hinagpis, ng galit
lalo na kapag nalamang mong uso pala ang lokoha
ndi ka naman tanga pero ginagawa ka nilang parang tanga

sa loob ng ten thousand eighty minuto pwede ka matuto magmahal
makalimot sa pait na dala ng nakaraan,
umaasa na baka eto na ulit yung time of your life
matutong mag alala at mangarap para sa hinaharap tapos sa huli malalaman na DRAWING lang pala

six hundred FouR thousAnd eight huNdred na Segundo lahat lahat
ganun kadamIng galaw ng kamay ng oraSan
ganun karaming posibilidad ang bawat bagay
nakakapagod. nakakadismaya

simple lang naman ang gusto ko sabihin eh
masarap magmahal, masakit masaktan
mahirap umasa at malungkot mag isa
LAHAT to posible maganap sa atin sa loob lamang ng pitong araw

miss

Nakakuwa siyang pagmasdan
ang kanyang tipid at simpleng mga ngiti
ang buhok niyang maiksi na di nagugulo sa pwesto
ang hikaw na itim na naghuhumiyaw

nakakaaliw siyang panuorin
ang balingkinitan niyang katawan
ang maputing ngunit mamula mulang kutis
ang mga matang malungkot at nangungusap

di ko makalimutan ang kanyang awra
ang galaw niyang napaka gaan, ang labing masarap halikan
ang mukang niyang di na kakasawang tingnan
at ang camera niyang panay ang tunog ng "click" sa daan

kahit nasa malayo ay pilit ko siyang inaaninag
hindi pinapansin ang mga taong nagsusumiksik
ang nais ko lamang ay sa kanya makalapit
at umaasang sa akin siya ay mapatingin
hinahanap siya ng akin paningin

sinubukang arukin ang nilalaman ng kanyang isipan at damdamin
gusto ko siyang puntahan at kausapin
sa gitna ng napakaraming tao gusto kong sumigaw
para sabihing "ANONG PANGALAN MO MISS?"

pag iisipan ko pa...

i dreamt of having you
seeing you sleeping beside me,
slowly biting your shoulder
hugging as if you're already leaving
i enjoy every moment spent with you
seeing you sleeping like a baby
really made me so happy
like i dont want this moment to end
i wanna savor each minute that flies
for it wont be too long before you'l be gone again
i wish i can cry silently
and hoping that maybe just maybe...
....this is not all that we cud ever be

Saturday, May 9, 2009

.....

you've been down and i dont know why
if only i was given the ability to read your mind
but can i ask you if you are willing to give us a try?
so that i can show you how real love feels like...

everytime i look at you i can see the pain in your eyes
as though you've been wanting and nedding to cry
i hope i can heal all those sufferings yove left behind by letting me into your life
let me embrace you tight as time passess by...


i wanna tell you that i can take what's left of you
it doesnt matter even if what i'll have are just pieces of a whole
its enough for me as long as you're by my side
whispering sweet words but NEVER GOODBYE...


(ed)

Thursday, February 12, 2009

para kay F

minsan pareho tayong nasaktan
may rason ka, may rason din ako
ngayon pareho na silang wala....
.... at di malaman kung babalik pa sa ginagalawan nating mundo

gusto kong sabihin na handa akong maghintay seo
unawaain ang sitwasyong meron tayo
subukang pantayan siya sa buhay mo
dahil alam kong kahit kailan di ko siya kayang palitan sa inokupa niyang pwesto


ngayon nangangarap ako na mapasayo
nag nanais na pawiin lahat ng hinanakit na meron ka sa dating minahal mo
ipakita seo na may maganda pang naghihintay sa kasalukuyan mo
at para sa ikaliligaya mo ay kayang ialay ang lahat ng mayroon ako

sana mabigyan ng tamang pagkakataon
na iparamdam sayo ang nararamdaman ito
mahikayat ka na subukan nating mag karoon ng TAYO
bigyang kasiguraduhan na mapapaligaya kita sa piling ko
dahil lahat ng to ay kakayanin ko kahit ilang balde pa ng luha ang umagos sa mata ko
mapasaya lang kita sa munting paraang alam ko.

untitled

i was stagnant then i started to move
when i learned how to move
i've realized that i have to slow down
when i have slow down
i can feel that you wanted me to stop
but how can i stop?
when all along ive been running in circles
and in circles theres no such thing as ending all beginning...

Sunday, February 8, 2009

defenseless

I was ok until i met you.
ive been able to built a wall..
... that i believed can protect me but not until you came.

i was standing alone in one corner
busy handling my own life.
nothing and nobody bothers me...
they dont have the guts to try and push their lucks on me.

but here you are
coming into my lfe
rattling my whole da** system
your leaving me restless and hopeless

i hate this feeling
giving you the right to do what you want
but at the end of the day i have to admit
I LOST. u won.
im DEFENSELESS...