after a few days mawawala din yung pagkahumaling natin sa isat-isa
maiisip mo na sinusubok ka lang ng tadhana
makakalimutan moko at babalik ka din sa piling niya
ma re realize mong mas mahal mo siya ngayun kesa dati
dahil kahit dumating ako babalik ka pa din sa kanya
malulungkot ako pero...
...matatanggap ko na eto ang kapalaran ko
ang muling mag isa.
habang masaya ka na ulet sa piling niya
babalik sa dati ang lahat
magiging normal ang buhay nating dalawa
makikita mong isa lang akong ordinaryong babae
akoy nag mistulang tagapuno lamang ng mga pagkukulang niya
akoy naging tagapag bigay ng mga bagay na di mo nakuha sa kanya
isa akong nilalang na kumalinga sayo ng panahong naguguluhan ka
wala akong pinagsisihan sa lahat ng ating ginawa
pero katulad ng lahat ng pantasya
natatapos ang lahat
hindi pwedeng habang buhay tayong ganito
sapagkat sayo ay may nag hihintay
pag lingon mo muli mo SIYANG makikita
nakabukas ang kanyang mga palad
nakangiti at maaliwalas ang kanyang mukha
mababakas ang kasiyahan sa kanyang mga galaw
makakalimutan mo na akoy nasa iyong harapan
at bawat hakbang mo pabalik sa kanya
ay na ngangahulugan ng paglayo ng DISTANSIYA natin sa isat isa...
10 SEC READ The gift of insults
4 years ago

No comments:
Post a Comment