Tuesday, June 9, 2009

sampung taon

Makalipas ang sampung taon, ano na nga ba ako?
Hinangad ko dating magkaroon ng sarili kong pamilya
Ng mga anak na palalakihin ng mabuti , aalagaan at aalayan ng buhay
Magkaroon ng katuwang sa pagtataguyod nito,
Isang taong tatagal at tatanggapin ang personalidad at ugali ko
Pero dun pa lang sa taong katuwang sa buhay sablay na ko.
Wala palang ganon.
Sampung taon...mag isa pa rin ako
Takot magtiwala, takot masaktan.
Kapag nagmahal ka daw,
binibigyan mo ng karapatan ang taong iyon na saktan ka.
Ayoko ng ganon, masyadong masakit puso....mabigat sa kalooban.

Sampung taon na pero paulit ulit pa rin ngyayari ang mga bagay
Para bang paulit ulit na tinuturo ang mga leksyon na sana ay dati ko pa natutunan.
Pero matigas ang ulo ko, lagi ako doon sa mga bagay nakakapag bigay ng saya sa akin.
Kahit pagkatapos nito ay kalungkutan na lang ang maiiwan.
Mahirap baguhin ang nakasanayan mo
Pero mas mahirap tanggapin na makalipas ang mga taon at pagbabagong ginawa mo
Di ka pa rin matanggap ng mga tao.


Sampung taon ang lilipas
gusto kong malaman kung ganito pa rin kaya ako?
Mahirap lamunin ng kagustuhan mong ma please lahat ng tao sa paligid mo.
May mga nilikha talaga para guluhin ang mga plano mo
Di man sobrang saya pero sana sa panahon na yun kuntento ako sa simpleng buhay na pinili ko.

Malungkot at mahirap mamuhay ng mag isa
Pero mabuti ng ganito kesa naman lahat ng bagay ay pinagsisihan ko.
at sasabihin sa sarili ko na "sana Mas masaya na ako...
sa susunod na sampung taon pa ng buhay ko... "

No comments: