pwede bang sumandig sa dibdib mo?
masarap sa pakiramdam ang makulong sa bisig mo
habang naka pikit ang mga mata ko
at nahihimlay sa tabi mo
nararamdaman ko ang iyong banayad na pag hinga
habang ang aking mg aking mga kamay ay humahaplos na tila kumakalinga
sa oras na to ay nakabibingi ang katahimikan sa paligid
ngunit mas importante sa akin ang pag iisip na sanay dumantay sa akin ang iyong labi
kung pede lang sana na lagi tayong ganito
dahil ma mimiss kita pag dating ng araw na wala ka na sa tabi ko
iiyak siguro ako pag nagkagayon
ngunit sigurado ako na babalik ka din isang hapon
masyado na ba kung hilingin ko na sanay alagaan mo ako?
mag papanic ka ba kung malaman mong gusto ko na nasa tabi mo
maiisip mo ba na ang demanding ng babae na to?
kahit naman gusto ko hindi ako hihiling ng uri ng relasyong di mo kayang ibigay noh?
ano bang magagawa ng tulad ko?
kung sa akin ay panandalian lang ang pagka humaling mo?
makikiusap na lang na kilalanin mo naman ako
para malaman mo na hindi sayang bawat minuto na ilalaan mo.
10 SEC READ The gift of insults
4 years ago

No comments:
Post a Comment