Tuesday, May 19, 2009

the edited version

isang hapon ng ikaw ay makilala
sa may videoke bar ng tayo ay magkita
at ikay minsan ko pa ulit nakasama
sa bawat text mo ako ay sumasaya
napapangiti sa bawat "hi" at "kamusta?"
okey na sana pero may problema
di mo agad na nasabi na may sabit ka na pala
ang sama ko naman kung kikidnapin kita
pero teka sasama kaba??
o kailangan kong sabihin na
ang pupuntahan natin ay kama
at doon ay paliligayahin kita
ibubuhos ang buong lakas at presensya
ibibigay ang uri ng pagmamahal na hindi niya kaya
ipaparamdam na espesyal ka
para lang maagaw ka sa kanya
o kaya naman ay sa buhay moy naising palitan siya
tama na siguro yung ganito
minsan man lang sumaya ako
pero ayoko talaga ng feeling na 'to
yung ginagawa kong tanga ang sarili ko
ng dahil lang sayo....
pero anong magagawa ko?
sa ayaw at sa gusto mo
naging parte ka na ng sistema ko.....

No comments: