Nakakuwa siyang pagmasdan
ang kanyang tipid at simpleng mga ngiti
ang buhok niyang maiksi na di nagugulo sa pwesto
ang hikaw na itim na naghuhumiyaw
nakakaaliw siyang panuorin
ang balingkinitan niyang katawan
ang maputing ngunit mamula mulang kutis
ang mga matang malungkot at nangungusap
di ko makalimutan ang kanyang awra
ang galaw niyang napaka gaan, ang labing masarap halikan
ang mukang niyang di na kakasawang tingnan
at ang camera niyang panay ang tunog ng "click" sa daan
kahit nasa malayo ay pilit ko siyang inaaninag
hindi pinapansin ang mga taong nagsusumiksik
ang nais ko lamang ay sa kanya makalapit
at umaasang sa akin siya ay mapatingin
hinahanap siya ng akin paningin
sinubukang arukin ang nilalaman ng kanyang isipan at damdamin
gusto ko siyang puntahan at kausapin
sa gitna ng napakaraming tao gusto kong sumigaw
para sabihing "ANONG PANGALAN MO MISS?"
10 SEC READ The gift of insults
4 years ago

No comments:
Post a Comment