Wednesday, May 13, 2009

pitong araw

mabilis lang ang panahon
sa loob ng isang linggo ang daming pwedeng mangyari sayo
ung iba dun gusto mo, yung iba naman maaring ayaw mo
pero kapag nakatadhana... mangyayari pa rin kahit deal or no deal

sa pitong araw , pwedeng tatlong araw na kasiyahan
apat na araw ng sama ng loob, ng hinagpis, ng galit
lalo na kapag nalamang mong uso pala ang lokoha
ndi ka naman tanga pero ginagawa ka nilang parang tanga

sa loob ng ten thousand eighty minuto pwede ka matuto magmahal
makalimot sa pait na dala ng nakaraan,
umaasa na baka eto na ulit yung time of your life
matutong mag alala at mangarap para sa hinaharap tapos sa huli malalaman na DRAWING lang pala

six hundred FouR thousAnd eight huNdred na Segundo lahat lahat
ganun kadamIng galaw ng kamay ng oraSan
ganun karaming posibilidad ang bawat bagay
nakakapagod. nakakadismaya

simple lang naman ang gusto ko sabihin eh
masarap magmahal, masakit masaktan
mahirap umasa at malungkot mag isa
LAHAT to posible maganap sa atin sa loob lamang ng pitong araw

No comments: