Friday, May 29, 2009

paguulayaw

gabi gabing na pupuyat
ang katawan ay na ngangayayat
mga mata'y na ngingitim
ngunit ang damdamin koy patuloy na naninimdim

laging inaasam ang halik mo
ang mga haplos na nakakaliyo
bawat himaymay ng laman ay na nginginig
pero ang ulo koy hinding-hindi pipilig

na aalala ko ang bawat sandali ng ating pag uulayaw
alam kong kahit kailan akoy di aayaw
sa lahat ng ginagawa mo sa akin
sayong sayo ako wag mo lang akong bitinin

alam kong sa ginagawa natin pareho tayong hindi sigurado
pero hinihiling ko sa'yong ipagpatuloy pa natin to
hayaan mong bigyang kasiyahan nating ang bawat isa
sa pamamagitan ng pag aalis ng ating mga balisa

pakiusap wag mong sabihing hindi mo na gusto to
dahil nakikita ko ang pagnanasa sa mata mo
sa bawat titig na binibigay mo sa akin
alam kong lahat ng ngayri ay pareho pa nating nais ulitin

hayaan na lang nating ang kapaaran ang mag desisyon
wag nating itong pangunahan sa pamamagitan ng pag bibigay ng mga reaksiyon
siguro naman sapat na ang panahon at lakas ko
para kahit sandali at papaano ay sumaya ang durog na puso mo.

No comments: