Wednesday, September 2, 2009

blog.blog.blog


matagal na kong na ngangarap na maging writer
feeling ko may ibubuga pa ako sa larangan ng pagsulat
wala lang akong avenue ika nga
natatakot din ako na gumawa ng matatawag kong obra na pagkatapos kong pag hirapan ay lalaitin lamang (ok sana kung constructive, yung tipong pointing out kung san ka mali and how you can improve, pero yung iba mahadera lang talaga at gustong mamula na gawa)
takot akong mapulaan sa mga isusulat ko kasi
di ba nga ang bawat sulatin ay expression ng manunulat?!

naputol ang pangarap ko na magsulat ng magkaroon ako ng TERORistang propersor sa unibersidad na pinasukan ko, doon nag simulang magunaw ang mundo ko bilang isang manunulat
na aaliw na lang akong magbasa ng kahit na anong libro
marami kang matutunan dun kahit di mo trip ang subject ng isang author
dumating pa ko sa point na nag eemail ako sa international writer na paborito ko
at talaga namang nag tatalon ako sa tuwa ng mag reply siya
( kahit alam kong maaring iba ang gumawa nito para sa kanya)
sa kabilang banda, napansin ko na nauuso ang pagkahilig ng mga mambabasa sa humorous style of wrting
eto yung style kung saan ang isang manunulat ay para lamang nakikipag usap sa mambabasa niya
parang katulad lamang ng ginagawa ko ngayun(self promotion na ito)
ang blog na to ang aking daan para mailabas ang frustrations ko sa buhay
halata naman na about bitterness sya di ba??
(pramis sabi ko indi na ko bitter sa buhay pero syet ampalaya pa rin ang ulam ko ngayon?)
may ibang naka appreciate ng site na ito
at mayroon din namang hindi
pero ok lang atleast may feedback ako na nakukuha mula sa ilang kaibigan ko na nakakaalam nito
natutuwa ako pag nagugustuhan nila ang bawat sinusulat ko
yung iba violent reaction dahil MALIBOG daw ang content,dull at puro hinanakit sa buhay
pero jusko naman parte iyon ng ating pagkatao
walang masama kung magsulat tayo tungkol dun ang mahalaga na ishare mo sa iba ang iyong kaalaman at saloobin
sa aking parte, experience is the best teacher pa rin
salamat sa blog tulad nito, nabibigyan ng tyansa ang mga katulad ko na makagawa ng babasahin na aaliw at pupukaw sa kamalayan ng bawat mambabasa
so nag decide ako ngayon na mag sulat indi lamang ng tula kundi ng kahit na anong gusto kong ibahagi sa bawat isang maliligaw sa site ko
sabi nga " walang basagan ng trip, blog site ko ito" (--,)

No comments: