Thursday, September 3, 2009

ako'y isang NORMAL

ang ordinaryo kong buhay
araw araw na lang na ginawa ni GOD pare-pareho ang nang yayari sa buhay ko
gigising, maliligo, papasok, mag cha chat, uuwi ( sa likod ng opis), aalis ulit para magpahangin sa labas at finally uuwi at matutulog ulit
walang exciting na part, wala ding nakaka aliw
normal kumbaga
minsan na iisip kong mag sisi sa buhay na pinili ko
syempre dumadating sa point na tatanungin mo yung sarili mo kung masaya ka pa ba sa ginagwa mo?
kunyari parang ms universe pagent tapos ang question ay: ARE YOU SATISFIED WITH YOUR LIFE?
hihirit kapa sa host ng tanong na " WHAT PART OF MY LIFE ARE YOU REFERING TO?!)
ang taray di ba umeepal pa, then sasagot yung host ng "ANYTHING, PERHAPS LOVELIFE,FAMILY, CAREER"
tapos ang sagot mo lang ay "ako..most of the time HINDE isang capital N.O - NO because i know i still have lots of things to achieve!" (take note may exclamation pa for convictions)
sa batang bata kong edad ( ehem isa yung sikretong malupet, calumpet)
andun pa ko sa stage na nag hahanap ng thrill sa buhay
gusto ko pa na maraming ma experience para may maisulat ako
alam ko hindi pa ito ang peak na mapaglaro (at berde na din) kong utak
marami pa akong gustong isulat na hindi magiging possible kung naka kulong ako sa apat na sulok ng kwartong kinalalagyan ko ngayon
masarap mangarap di ba?? dun lahat posible daig pa ang commercial ng coke zero ( its possible sabi ng sirenang naka woot woot two piece?)
pero mahirap ma dissapoint, ma frustrate lalo na pag halos lahat sa buhay mo ay mali
zero love life ( feeling mo abnormal ka kasi parang alang na aatract sayo, sabay tanong sa sarili kung maganda ka ba? o gwapo kaya?), low pay ( dahil halos na pupunta sa maraming bagay ang sweldo katulad ng insurance, tax, gimik, sustento),problematic family life ( gastos ulit, health problem etc).
iniisip mo kung kelan ka tatama sa mga desisyon mo
matapang ka lang kasi akala mo kaya mong panindigan ang mga ginawa mo
pero kapag ganitong maramaming mga pinoy ang mas hindi satisfied sa buhay dahil wala silang makain,
walang matulugan, walang matinong trabaho,walang baon sa school, walang damit na maayos, walang laptop,psp, mp3,cellphone, load ( na rin at panay share a load ang friendships mo sayo), pang kape sa starbuko,
abay ma iisip mo na di hamak naman na mas masuwerte kapa rin sa kanila at dapat magpasalamat
dahil may internet ka (kaya nga nababasa mo itong blog na to), naka aircon ka ( malamang)
namumurublema lamang kung san ka kakain at ano ang gagawin mo sa buhay mo
tulad ko ngayon hindi kuntento pero kahit ganon, kahit may mali sa buhay ko,
alam kong dapat akong maging masaya dahil araw araw gumigisng pa rin ako, nahinga pa ako, nakaka kain ng ayos at mas marami pa rin ang tama kesa MALI sa ordinaryong buhay ko.

No comments: