Thursday, February 12, 2009

para kay F

minsan pareho tayong nasaktan
may rason ka, may rason din ako
ngayon pareho na silang wala....
.... at di malaman kung babalik pa sa ginagalawan nating mundo

gusto kong sabihin na handa akong maghintay seo
unawaain ang sitwasyong meron tayo
subukang pantayan siya sa buhay mo
dahil alam kong kahit kailan di ko siya kayang palitan sa inokupa niyang pwesto


ngayon nangangarap ako na mapasayo
nag nanais na pawiin lahat ng hinanakit na meron ka sa dating minahal mo
ipakita seo na may maganda pang naghihintay sa kasalukuyan mo
at para sa ikaliligaya mo ay kayang ialay ang lahat ng mayroon ako

sana mabigyan ng tamang pagkakataon
na iparamdam sayo ang nararamdaman ito
mahikayat ka na subukan nating mag karoon ng TAYO
bigyang kasiguraduhan na mapapaligaya kita sa piling ko
dahil lahat ng to ay kakayanin ko kahit ilang balde pa ng luha ang umagos sa mata ko
mapasaya lang kita sa munting paraang alam ko.

No comments: