Tuesday, February 22, 2011

umaga


Ngayon ang simula ng aking pag iisa
Dapat ng masanay na hind kana babalik pa
Pag gising sa umaga, sasanayin ang sarili
na ika'y wala sa aking tabi
hindi na makikita ang maamo mong mukha
hindi na mararamdamang muli ang haplos mo sa aking katawan
o dili kaya ay ang mga yakap mo katulad ng mga sa gabing nag daan
tapos na akong lumuha, tanggap na ang sinapit kong kapalaran
alam kong wala na akong magagawa pa
sapagkat ang relasyon natin ay natuldukan na.

No comments: