Wednesday, December 21, 2011

dalawang taon


dalawang taon na ang nakalipas
nang tayo ay maghiwalay ng lamndas
paminsan minsan ang alaala mo
ay sumasagi pa rin sa aking isipan
napapangiti kapag na iisip ang ating pinag samahan
habang tayo dati ay nag lalakad sa kawalan
sa ilalim ng buwan
o dili kaya ay nagkakape habang nag kukulitan
hindi ko mapigilang isipin kung ano kaya ang nangyari
kung hindi kita tinulak pabalik at pinakawalan?
ngunit ngayon ay wala na akong magagawa pa,
noon ay naguguluan ka at nararamdaman kong mahal mo pa rin sya
taon na ang lumipas ngunit sa nakaraan wala akong pinag sisihan
kung ibabalik ang panahon, uulitin ko
pa rin na mahalin ka at pahalagahan
kahit ako ay di mo mapanindigan
sapagkat ang panahon na ating pinagsamahan
ay bahagi ng aking buhay at nakaraan na hindi ko na mabubura kailanman..

No comments: