tumitigil ang ikot ng mundo ng kapag ikay nakikita
Lagi kong hinihiling na sana'y agi tayong magkasama
Nakaka aliw pagmasdan ang maamo mong mukha
Kahit pa minsan pakiramdam ko ay tila may tumutulong luha
hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya
kapag nakikita ko na tila naka ngiti ang iyong mga mata
sana hindi na maisipan na humanap ng iba
dahil malulungkot ako kapag sa buhay ko'y wala ka na
gusto kitang pasalamatan sa binibigay mong pagkalinga
gagawin ko lahat para matumbasan ang iyong pag aalaga
hindi ko man lagi sabihin na mahal kita
maniwala ka sana yun talaga ang aking nararamdaman
alam mo bang sa bawat halik at yakap mo gumagaan ang pakiramdam ko.
bawat minuto at oras na kasama ka sumasaya talaga ako
Nahuhumaling na ata ako sayo
Patuloy kong ipagdarasal na sana tumagal tayo..