minsan nangagarap ako na mapasayo
gusto kitang agawin sa taong nagmamahal sayo
mabigyan ng pagkakataon
na iparamdam sayo ang nararamdaman ko.
minsan tinatanong ang sarili ko kung ano ba ko sayo?
gusto mo ba ko dahil sa ako
o gusto moko dahil ako lang ang nandito para sayo
hindi ko ba pwedeng malaman ang totoo?
pinipilit kong itago lahat ng nasa puso.
sinusubukang gapiin ito ng isipan ko
pero kahit na ano yata ang gawin ko
alam kong ikaw pa rin ang mananalo sa larong ito.
hindi ko gustong maging ipokrita
alam ko lang na di posible ang mga bagay na gusto ko
dahil kahit na anong gawin ko
hindi ko siya mapapalitan sa puso mo.
10 SEC READ The gift of insults
4 years ago

No comments:
Post a Comment