Isa na naman bukas na liham para sa kanya.
Hayaan mong simulan ko ang sulat na ito sa pag sasabi sayo na "mahal kita".
Pero alam kong hindi sapat ang salitang sinabi ko para manatili ka sa aking tabi.
Malungkot isipin na alam mo kung ano ang pinag daanan ko dati pero hindi ko maintindihan kung bakit inulit mo iparamdam sa akin ang sakit ng pakiramdam ng iwanan ng taong minamahal. Saksi ang blog na ito sa lahat ng pinag dadaanan ko sa buhay kabilang na ang aking kabiguan.
Noon, tinanong mo ako kung bakit lagi ako ang sumusuko sa taong mahal ko..
ang sagot ay dahil ayokong malaman at maramdaman na ako ang iniwan kaya inuunahan ko na lang.
Sa pag dating mo, sinubukan kong ibahin ang pangyayari.
Sinabi ko sa sarili ko na hindi kita susukuan, kaya naman sa una nating pag hihihiwalay.. kung natatandaan mo.. ikaw ang nang iwan. ang katwiran mo aayusin mo ang sarili mo. Naniwala ako.
Tatlong buwan ang lumipas,, bumalik ka.
Akala ko noong panahon na yun,, maayos na ang lahat para sa ating dalawa
Yun pala kaya ka bumalik ay dahil ipinag palit ka nya sa iba matapos mong alayan sya ng pag kakataong makasama ka sa habang buhay.
Nadurog ako, paulit ulit.
Gusto ko mag wala, umiyak at manumbat pero alam kong wala akong karapatan.
Sa pag balik mo sinubukan kong mag simula muli kasama ka. gusto kong kalimutan lahat ng nangyari at nag desisyon akong patawarin ka.
Limang buwan ang lumipas na tayo ay magkasama.
Naniwala na naman ako na maayos na tlga ang lahat.
Na sigurado ka na sa akin at ayaw mo lang mag commit kasi natatakot ka.
Muli,inintindi kita kahit ang sakit sakit na.
Ngayon.. hinihiling mo ulit na tapusin na kung anu man ang meron tayo.
paulit ulit akong nadudurog. paulit ulit nasasaktan.
Ilang "chance" ba ang kailangan kong ibigay para maging tama tayo?
Kailan mo ba makikita ang mga sakripisyong ginawa ko para sayo?
Sabi nga ng kanta "wala na akong maibubuga"
Ang tanging hiling ko lang naman dati sumugal ka.
Hindi un magiging madali pero kaya ko ipangako sayo na kasama mo ako at hindi kita iiwan.
Pero natapos tayo at ang dalawang taon nating pinag samahan.. Bigo na naman ako.
Sayo ko nalaman at naintidihan na totoong "love is never enough".
Ngayon malaya ka na mula sa akin...
Hindi na ako aasa na babalik ka pa.
Gusto ko lang naman maging masaya..
Kahit anong sakripisyo ang gawain ko para sayo at ilang ulit ko mang sabihin na mahal kita..
Kailangan ko na sigurong tanggapin na hindi ka susugal.
Hindi moko paninindigan.
Hindi mo aayusin ang sarili mo.
Babalik ka lang sa kanya.
At baka hindi nga tayo para sa isat isa.
10 SEC READ The gift of insults
4 years ago

No comments:
Post a Comment