madilim pa ang kapaligiran
nang ako'y magising sa umaga
napangiti sapagkat mukha mo ang una kong nakita
ang saya sa pakiramdam na malaman na ikaw
ay masaya
habang patuloy kang nahihimbing sa ating kama
pagbangon ko'y agad kong hinawi ang nakatabing na kurtina sa bintana
nais kong masilayan ang liwanag na unti unting sumisilay ngayung umaga
ako'y saglit na tumahimik at umusal ng panalangin
nag papasalamat at ikaw ay ibinigay NYA sa akin
upang makasama sa mga darating pang mga sandali
akoy dali daling naghanda ng agahan
ang paborito nating kape at pandesal
na pagsasaluhan sa balkonahe
habang sabay tayung naka harap sa silangan
magkasamang haharapin ang pag sikat ng araw
Photo from: http://shadowness.com/RedRed/tam-awan-sunset-2
10 SEC READ The gift of insults
4 years ago


No comments:
Post a Comment