
para akong nauupos na kandila sa gabi
o dili kaya ay isang dahon na nalalaglag sa tabi
nararamdaman kong hindi niya ako mahal sa paraang nais k
o habang ako'y patuloy pa rin umaasa
na baka sakaling sa pagpuno ko sa kanyang kakulangan
maisip niyang karapat dapat ako para sa kanya
patuloy akong nag iisip
habang di mababakas sa aking mukha ang lungkot na dala ng katotohanan
sa mga mata ko nasasalamin ang kahungkagan na aking nararamdaman
patuloy akong ngumiti sa tuwing siya ay bumabaling sa aking gawi
kahit anong pigil ko sa aking mga luha tila dadaloy ng walang patid
talaga namang nagnanais na kumala at bumalong sa aking pisngi
sana'y mabago ko pa ang isip mo
habang ikay nasa piling ko
nais ko sanang piliin mo ako
kung pwede ko lang ipagsiksikan ang sarili ko sayo
at ibulong na sana minsan naman isipin mo ang nararamdaman ko
kahit minsan pwede bang ikonsidera mo ako sa buhay mo
pahalagahan mo naman ang pagkalinga at pag unawa na binibigay ko sayo
pakiusap linawin mo kung ano ang katayuan ko
sagutin mo kung ano ba ko talaga para sayo
ginagamit mo lang ba ako para may maiparada ka sa mga kaibigan mo?
mahal mo ba talaga ako gaya ng sinasabi mo?
o sadyang panakip butas lang sa kakulangan ng iyong pagkatao?
